The chat will start when you send the first message.
1Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig[#Awit 18:1.; #Awit 66:19; 118:21.]
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,[#Awit 86:11.]
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin,[#Awit 18:4.]
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;[#Awit 18:6.]
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;[#Awit 86:15; 145:17.]
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob :
Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko;[#Jer. 6:16; Mat. 11:29.]
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,[#Awit 56:13; 86:13.]
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
Sa lupain ng mga buháy.
10Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:[#2 Cor. 6:28.]
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11Aking sinabi sa aking pagmamadali,[#Awit 31:22.]
Lahat ng tao ay bulaan.
12Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13Aking kukunin ang saro ng kaligtasan,[#Awit 16:5; Luc. 22:17.]
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,[#Awit 22:25.]
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15Mahalaga sa paningin ng Panginoon[#Blg. 23:10; Awit 72:16.]
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat,[#Awit 107:22.]
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,[#tal. 14.]
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.