The chat will start when you send the first message.
1Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,[#Awit 94:17.]
Sabihin ng Israel ngayon,
2Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3Nilamon nga nila sana tayong buháy,[#Awit 56:1.]
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4Tinabunan nga sana tayo ng tubig,[#Awit 18:16; 144:7.]
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:[#Awit 91:3.]
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,[#Awit 121:2.]
Na siyang gumawa ng langit at lupa.