MGA AWIT 128

Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

1Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon,[#Awit 112:1; 115:13.]

Na lumalakad sa kaniyang mga daan.

2Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:[#Is. 3:10.]

Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

3Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas,[#Ezek. 19:10.]

Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:

Ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.

4Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,

Na natatakot sa Panginoon.

5Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:[#Awit 134:3.]

At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.

6Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak.[#Job 42:16; Kaw. 17:6.; #Awit 125:5.]

Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society