The chat will start when you send the first message.
1Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2Parang mahalagang langis sa ulo,[#Ex. 30:23-26, 30.; #Ex. 29:7.]
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3Gaya ng hamog sa Hermon,[#Deut. 4:48.]
Na tumutulo sa mga bundok ng Sion:
Sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.