MGA AWIT 134

Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.

1Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.

Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.

2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,[#Awit 28:2.]

At purihin ninyo ang Panginoon.

3Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;[#Awit 128:5.]

Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society