The chat will start when you send the first message.
1Purihin ang Panginoon na aking malaking bato,[#2 Sam. 22:35; Awit 18:34.]
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2Aking kagandahang-loob, at aking katibayan,[#Awit 91:2.]
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?[#Job 7:17; Awit 8:4; Heb. 2:6.]
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4Ang tao ay parang walang kabuluhan:[#Job 14:2; Ec. 6:12.]
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka:[#Awit 18:9; Is. 64:1.]
Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;[#Awit 18:13, 43.]
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;[#Awit 78:16.]
Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng mga taga ibang lupa;
8Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios:[#Awit 33:2, 3.]
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;[#Awit 128:3.]
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:[#Deut. 33:29.]
Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.