The chat will start when you send the first message.
1Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;[#Awit 92:1.]
Sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
2Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;[#Awit 102:16.]
Kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
3Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,[#Awit 51:17.]
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;[#Gen. 15:5; Is. 40:26.]
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:[#Awit 146:8, 9.]
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.[#Job 38:26, 28; Awit 104:14.]
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.[#Job 39:3; Awit 104:27; Mat. 6:26.]
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:[#Awit 33:17; Os. 1:7.]
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;[#Is. 60:17, 18.]
Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;[#Job 37:6.]
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:[#Job 37:10.]
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,[#Deut. 33:2.]
Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:[#Deut. 4:32, 33, 34.]
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.