MGA AWIT 47

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

1Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;[#2 Hari 11:12; Awit 98:8.]

Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.

2Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot;[#Deut. 7:21; Neh. 1:5.]

Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.

3Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,[#Awit 18:47.]

At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.

4Kaniyang ipipili tayo ng ating mana,[#1 Ped. 1:4.]

Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)

5Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,[#2 Sam. 6:15.]

Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.

6Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:

Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.

7Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa:[#Zac. 14:9.]

Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.

8Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:[#Awit 22:28; Apoc. 19:6.]

Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.

9Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan

Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;

Sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;

Siya'y totoong bunyi.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society