MGA AWIT 60

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay 2 Sam. 8:313:14Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.

1Oh Dios, iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;[#Awit 44:9.]

Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.

2Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:

Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.

3Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:[#Awit 71:20.]

Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.

4Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,[#Awit 20:5; Is. 5:26.]

Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)

5Upang ang iyong minamahal ay makaligtas,[#Hanggang tal. 12; Awit 108:6-13.; #Deut. 33:12.]

Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.

6Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:[#Awit 89:35.]

Aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth,

7Galaad ay akin, at Manases ay akin;[#Jos. 13:9-31.]

Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;

Juda ay aking setro.

8Moab ay aking hugasan;[#2 Sam. 8:2.]

Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;

Filistia, humiyaw ka dahil sa akin.

9Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?

Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?

10Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?[#Awit 44:9; 108:11.]

At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.

11Tulungan mo kami laban sa kaaway;

Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.

12Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:[#Blg. 24:18; 1 Cron. 19:13.]

Sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society