MGA AWIT 70

Sa Pangulong Manunugtog. 1 Cron. 16:4Awit ni David; upang umalaala.

1Magmadali ka , Oh Dios, na iligtas mo ako;[#Hanggang tal. 5; Awit 40:13-17.]

Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.

2Mangapahiya at mangalito sila,

Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:

Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.

Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.

3Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.[#Awit 6:10.]

Silang nangagsasabi, Aha, Aha.

4Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;

At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:

Dakilain ang Dios.

5Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;

Magmadali ka sa akin, Oh Dios:

Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;

Oh Panginoon, huwag kang magluwat.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society