The chat will start when you send the first message.
1Sa Juda ay kilala ang Dios:[#Awit 48:1, 3.]
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;[#Awit 46:9.]
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4Maluwalhati ka at marilag, Mula sa mga bundok na hulihan.[#Awit 5:5.]
5Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,[#Nah. 2:13.]
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:[#Ex. 9:10; Awit 65:7.]
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:[#Awit 50:14.]
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.