The chat will start when you send the first message.
1Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios;
Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
2Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan,
At magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)
3Hatulan mo ang dukha at ulila:
Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan:
Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;
Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman:
Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6Aking sinabi, Kayo'y mga dios,[#Juan 10:34.]
At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao,[#Job 21:32; Awit 49:12.]
At mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
8Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa:
Sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.