The chat will start when you send the first message.
1Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,[#Awit 32:1.]
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3Iyong pinawi ang buong poot mo:
Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,[#Awit 80:3.]
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?[#Awit 74:1.]
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:[#Hab. 2:1.]
Sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.
9Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;[#Awit 40:11; 89:14.]
Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti;[#Awit 84:12; Sant. 1:17.]
At ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.