MGA AWIT 97

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

1Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa;[#1 Cron. 16:31.]

Matuwa ang karamihan ng mga pulo.

2Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:[#1 Hari 8:12; Awit 18:11.]

Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.

3Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.

4Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan:[#Ex. 19:18; Awit 77:18.]

Nakita ng lupa, at niyanig.

5Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,[#Huk. 5:5; Nah. 1:5.]

Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

6Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran,[#Awit 50:6.]

At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.

7Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,

Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:

Kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios.

8Narinig ng Sion, at natuwa,

At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;

Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.

9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa:[#Awit 92:9.]

Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.

10Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan.[#Awit 101:23.]

Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;

Kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.

11Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,[#Job 22:23; Awit 112:4; Kaw. 4:18.]

At kasayahan ay sa may matuwid na puso.

12Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;

At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society