The chat will start when you send the first message.
1Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan.[#1 Cron. 16:31.]
Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
2Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
3Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y banal.
4Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
5Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan;
Siya'y banal.
6Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;[#Ex. 24:6-8; 40:23, 25, 27; Lev. 8:1-30.; #1 Sam. 7:9; 12:18.]
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
7Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap:[#Ex. 33:5; Blg. 12:5.]
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
8Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
9Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.