The chat will start when you send the first message.
1Naghari si Solomon sa buong Israel.
Si Azarias ang punong pari mula sa angkan ni Sadoc.
3Sina Elihoref at Ahias na mga anak ni Sisha, ang mga kalihim ng hari.
Si Jehosafat na anak ni Ahilud, ang namamahala ng mga kasulatan ng kaharian.
4Si Benaias na anak ni Jehoiada ang kumander ng mga sundalo.
Sina Sadoc at Abiatar ang mga pari.
5Si Azarias na anak ni Natan ang pinuno ng mga gobernador sa mga distrito ng Israel.
Ang paring si Zabud na anak din ni Natan ang tagapayo ng hari.
6Si Ahisar ang tagapamahala ng palasyo.
At si Adoniram na anak ni Abda ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho.
7Mayroon ding labindalawang gobernador si Solomon sa mga distrito ng buong Israel. Sila ang nagbibigay ng pagkain sa hari at sa sambahayan niya. Bawat isa sa kanila ay nagbibigay ng pagkain sa isang buwan bawat taon.
Si Ben-hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.
9Si Ben-deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet-semes at sa Elon-bet-hanan.
10Si Ben-hesed na namamahala sa Arubot, kasama na rito ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.
11Si Ben-abinadab na namamahala sa Nafot-dor. (Asawa siya ni Tafat na anak ni Solomon.)
12Si Baana na anak ni Ahilud, na namamahala sa Taanac, Megido, sa buong Bet-sean malapit sa Zaretan sa ibaba ng Jezreel at sa mga lugar na mula sa Bet-sean hanggang Abel-mehola at patawid sa Jocmeam.
13Si Ben-geber, na namamahala sa Ramot-gilead, kasama na rito ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, at sa mga distrito ng Argob sa Bashan, kasama na ang 60 malalaki at napapaderang bayan, na ang mga pintuan ay may tarangkahang tanso.
14Si Ahinadab na anak ni Iddo, na namamahala sa Mahanaim.
15Si Ahimaaz, na namamahala sa Neftali. (Asawa siya ni Basemat na anak ni Solomon.)
16Si Baana na anak ni Husai, na namamahala sa Asher at sa Alot.
17Si Jehosafat na anak ni Parua, na namamahala sa Isacar.
18Si Simei na anak ni Ela, na namamahala sa Benjamin.
19Si Geber na anak ni Uri, na namamahala sa Gilead na sakop noon ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ni Haring Og ng Bashan. Si Geber lamang ang gobernador sa buong distritong ito.[#4:19 : O At may isang gobernador na pinagkatiwalaan sa buong lupain ng Juda. Itoʼy ayon sa ibang mga tekstong Griego.]
20Ang bilang ng mga tao sa Juda at Israel ay tulad ng buhangin sa dalampasigan na hindi mabilang. Sagana sila sa pagkain at inumin, at masaya sila.
21Si Solomon ang namamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, hanggang sa hangganan ng Ehipto. Ang mga kahariang ito ay nagbabayad ng buwis kay Solomon at nagpapasakop sa kanya habang nabubuhay siya.
22Ito ang mga pagkaing kailangan ni Solomon sa kanyang palasyo bawat araw: isandaang sako ng magandang klaseng harina, dalawandaang sako ng ordinaryong harina,
23sampung pinatabang baka sa kulungan, dalawampung baka na galing sa pastulan, isang daang tupa o kambing, hindi pa kasama ang ibaʼt ibang uri ng mga usa at magandang uri ng ibon at manok.
24Sakop ni Solomon ang buong lupain sa kanlurang Ilog Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza. At maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng bansa sa palibot niya.
25Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beer-seba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.
26May apatnapung libo kuwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayong pangkarwahe at may 12,000 siyang mangangabayo.[#4:26 : Sa ibang mga tekstong Septuagint, apat na libo . Tingnan din ang 1 Cro. 9:25.; #4:26 : O mga kabayo.]
27Ang mga gobernador sa mga distrito ang nagbibigay ng pangangailangan ni Haring Solomon at ng lahat ng nasa palasyo. Ang bawat isa sa kanila ay may responsibilidad sa pagbibigay bawat buwan. Tinitiyak nilang maibibigay ang mga pangangailangan ni Solomon.
28Nagbibigay din sila ng sebada at dayami para sa mga kabayo. Dinadala nila ito sa lugar na dapat nitong pagdalhan sa oras na kailangan ito.
29Binigyan ng Diyos si Solomon ng di-pangkaraniwang karunungan at pang-unawa, at kaalaman na hindi masukat.
30Ang kaalaman niya ay higit pa sa kaalaman ng lahat ng matatalino sa silangan at sa Ehipto.
31Siya ang pinakamatalino sa lahat. Mas matalino pa siya kaysa kay Etan na Ezrano at sa mga anak ni Mahol na sina Heman, Calcol at Darda. At naging tanyag siya sa mga nakapaligid na bansa.
32Gumawa siya ng 3,000 kawikaan at 1,005 awit.
33Makapagsasabi siya ng tungkol sa lahat ng uri ng pananim, mula sa malalaking punongkahoy hanggang sa maliliit na pananim. Makapagsasabi rin siya tungkol sa lahat ng uri ng hayop na lumalakad, gumagapang, lumilipad, at lumalangoy.[#4:33 : Sa literal, mula sa sentro ng Lebanon hanggang sa isopo na tumutubo sa dingding.]
34Nabalitaan ng lahat ng hari sa mundo ang karunungan ni Solomon, kaya nagpadala sila ng mga tao para makinig sa kanyang karunungan.