The chat will start when you send the first message.
1Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tiro at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagsugo siya ng kanyang mga opisyal kay Solomon.
2Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:
7Tuwang-tuwa si Hiram nang matanggap niya ang mensahe ni Solomon. Sinabi niya, “Purihin natin ang Panginoon sa araw na ito, dahil binigyan niya si David ng matalinong anak para pamahalaan ang makapangyarihang bansang ito!”
8Kaya nagpadala si Hiram ng mensahe kay Solomon na nagsasabi:
10Pinadalhan nga ni Hiram si Solomon ng lahat ng kahoy na sedro at sipres na kailangan niya.
11At pinadalhan naman ni Solomon si Hiram ng isandaang libong takal ng trigo at 110,000 galong langis ng olibo bawat taon.
12Binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan ayon sa kanyang ipinangako. Maganda ang relasyon nina Solomon at Hiram, at gumawa sila ng kasunduan na hindi sila maglalaban.
13Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang tatlumpung libong kalalakihan mula sa buong Israel.
14Pinagpangkat sila ayon sa bilang na sampung libo bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito.
15May pitumpung libong tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at walumpung libong tao na tagatabas ng bato sa kabundukan.
16Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador.
17At sa utos niya, nagtabas sila ng malalakiʼt magagandang uri ng bato para sa pundasyon ng Templo.
18Kaya inihanda ng mga tauhan nina Solomon at Hiram, kasama ng mga taga-Gebal, ang mga bato at mga kahoy para sa pagpapatayo ng Templo.[#5:18 : Kinalaunan, ang lugar na ito ay tinatawag na Biblos.]