The chat will start when you send the first message.
3Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensiya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi.
4Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan.
5Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya na naunang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ito ngayon.
6Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay.
7Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
8Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita.
9Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo.
10Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.
11Pinili ako ng Diyos na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito.
12Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.[#1:12 : O ipinagkatiwala niya sa akin.]
13Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Kristo Hesus.
14Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.
15Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelo at Hermogenes.
16Kaawaan sana ng Panginoon si Onesiforo at ang pamilya niya, dahil palagi niya akong tinutulungan, at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo.[#1:16 : O inaaliw.]
17Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako.
18At alam na alam mo kung paano niya ako tinulungan noong nasa Efeso ako. Kaawaan sana siya ng Panginoon sa Araw ng Paghuhukom.