The chat will start when you send the first message.
2Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.
3Labis akong nagalak nang dumating dito ang ilang mga kapatid at nagpatotoo sila na tapat ka sa katotohanan at namumuhay ka ayon dito.
4Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.
5Mahal kong kaibigan, ikaw ay tapat sa iyong pag-aasikaso sa mga kapatid na galing sa ibang lugar, kahit hindi mo sila kakilala.
6Ibinalita nila sa iglesya rito ang tungkol sa pag-ibig mo. Pakitulungan sila sa paraang kalugod-lugod sa Diyos na maipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
7Sapagkat pumupunta sila sa ibaʼt ibang lugar alang-alang kay Kristo nang hindi tumatanggap ng kahit anong tulong mula sa mga Hentil.[#1:7 Sa literal, Pangalan.]
8Kaya dapat natin silang tulungan, upang maging kabahagi tayo sa kanilang gawain para sa katotohanan.
9Sumulat ako sa iglesya diyan tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi kami kinilala ni Diotrefes na naghahangad na mamuno sa inyo.
10Kaya kapag pumunta ako diyan, isisiwalat ko ang mga pinaggagawa niya at ang mga paninirang ikinakalat niya tungkol sa amin. Bukod pa rito, hindi rin niya pinapatuloy ang mga kapatid na galing sa ibang lugar, at pinagbabawalan pa niya ang iba na tumulong sa kanila. At ang mga gusto namang tumulong ay pinapaalis niya sa iglesya.
11Mahal kong kaibigan, huwag mong gayahin ang masamang ginagawa ng taong iyan. Sa halip, gawin mo ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay mula sa Diyos, at ang gumagawa ng masama ay hindi nakakakilala sa Diyos.
12Si Demetrio ay kapatid nating pinupuri ng lahat, at nakikita sa buhay niya na sumusunod siya sa katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo na mabuti siyang tao, at alam mong mapagkakatiwalaan ang sinasabi namin.
13Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit ayaw kong sabihin sa sulat na ito.
14Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon at makakausap kita.
15Sumaiyo nawa ang kapayapaan.
Kinukumusta ka ng mga kaibigan natin dito. Ikumusta mo rin ako sa bawat isa sa mga kaibigan natin diyan.