The chat will start when you send the first message.
1May mga taong galing sa Judea na pumunta sa Antioquia at nagturo sa mga mananampalataya doon. Sinabi nila, “Hindi kayo maliligtas kung hindi kayo magpapatuli ayon sa kaugaliang itinuro ni Moises.”
2Hindi ito sinang-ayunan nina Pablo at Bernabe, at naging mainit ang pagtatalo nila tungkol dito. Kaya nagkaisa ang mga mananampalataya doon na papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang iba pang mga mananampalataya sa Antioquia para iharap sa mga apostol at sa mga pinuno ng iglesya ang bagay na ito.
3Kaya ipinadala ng iglesya sina Pablo, at sa pagdaan nila sa Fenicia at sa Samaria ay ibinalita nila sa mga kapatiran doon na may mga Hentil ding sumampalataya kay Kristo. Masayang-masaya silang lahat nang marinig ito.
4Pagdating nina Pablo sa Jerusalem tinanggap sila ng iglesya, ng mga apostol, at ng mga pinuno ng iglesya. Ibinalita sa kanila nina Pablo ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila.
5Ngunit tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at sinabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sumunod sa kautusan ni Moises.”
6Kaya nagpulong ang mga apostol at ang mga pinuno ng iglesya upang pag-usapan ang bagay na ito.
7Pagkatapos ng mahabang talakayan, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyong noong mga nakaraang araw ay pinili ako ng Diyos upang ituro ang Magandang Balita sa mga Hentil, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya.
8Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga Hentil, dahil ibinigay din sa kanila ang Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon.
9Walang pagtatanging ginagawa ang Diyos sa pagitan nating mga Hudyo at sa kanilang mga Hentil, dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.
10Kaya ngayon, bakit nʼyo sinusubukan ang Diyos? Bakit nʼyo ipinapataw sa mga mananampalatayang Hentil ang pasaning kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi kayang buhatin?
11Naniniwala tayong maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, at ganito rin naman ang mga Hentil.”
12Nang marinig nila iyon, tumahimik silang lahat. At pinakinggan nila ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga tanda at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila.
13Pagkatapos nilang magsalita, sinabi ni Santiago, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.
14Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Diyos sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang rin sa kanyang mga hinirang.
15Itoʼy ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan:
16‘Pagkatapos nito, babalik ako,
at itatayo kong muli
ang bumagsak na kaharian ni David.
Mula sa pagkaguho,
ibabangon ko itong muli at itatayo
17upang hanapin ako ng ibang tao,
maging ng lahat ng mga Hentil
na aking tinawag na maging akin.
Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito,
18at ipinahayag ko na ito mula pa noong una.’”[#15:18 Amos 9:11, 12. Ito ay hango sa saling Septuagint.]
19Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.
20Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Huwag gumawa ng seksuwal na imoralidad, at huwag kakain ng dugo o karne ng binigting hayop.
21Dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Hudyo sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”
22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga pinuno ng iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas (na tinatawag na Barsabas) at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,
23at sila ang magdadala ng sulat na ito:
30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.
31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.
32Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid upang palakasin ang kanilang pananampalataya.
33Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa mga nagsugo sa kanila. Ngunit bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [
34Subalit nagpasya si Silas na magpaiwan doon.][#15:34 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito.]
35Sina Pablo at Bernabe ay nanatili pa nang ilang araw sa Antioquia. Kasama ang marami pang iba, nagturo at nangaral sila doon ng salita ng Panginoon.
36Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan kung saan ipinangaral natin ang salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid upang malaman natin ang kalagayan nila.”
37Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos.
38Subalit ayaw pumayag ni Pablo, dahil noong unang nakasama nila si Marcos, iniwan sila nito noon sa Pamfilia.
39Matindi ang naging pagtatalo nila, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at pumunta sila sa Cyprus.
40Isinama naman ni Pablo si Silas. Bago sila umalis, ipinanalangin sila ng mga kapatid na tulungan sila ng Panginoon sa kanilang paglalakbay.
41Pumunta sina Pablo sa Siria at sa Cilicia at pinatatag nila ang mga iglesya roon.