The chat will start when you send the first message.
1Tumingin si Pablo sa mga miyembro ng Sanhedrin at sinabi, “Mga kapatid, namuhay akong malinis ang konsensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.”
2Pagkasabi nito ni Pablo, inutusan ng punong pari na si Ananias ang mga nakatayong malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.
3Sinabi ni Pablo sa kanya, “Sampalin ka rin ng Diyos, ikaw na pakitang-tao! Nakaupo ka diyan para hatulan ako ayon sa Kautusan, ngunit nilabag mo rin ang Kautusan nang iniutos mo na sampalin ako!”
4Sinabi ng mga taong nakatayo malapit kay Pablo, “Iniinsulto mo ang punong pari ng Diyos!”
5Sumagot si Pablo, “Mga kapatid, hindi ko alam na siya pala ang punong pari, dahil sinasabi sa Kasulatan, ‘Huwag tayong magsalita ng masama laban sa namumuno sa atin.’”[#23:5 Exo. 22:28.]
6Nang makita ni Pablo na may mga Saduceo at mga Pariseo roon, sinabi niya nang malakas sa mga miyembro ng Sanhedrin, “Mga kapatid, akoʼy isang Pariseo, at ang aking ama at mga ninuno ay Pariseo rin. Inaakusahan ako ngayon dahil umaasa akong muling mabubuhay ang mga patay.”
7Pagkasabi niya nito, nagkagulo ang mga Pariseo at mga Saduceo at nagkahati-hati ang mga miyembro ng Sanhedrin.
8Nangyari ito dahil ayon sa mga Saduceo, walang muling pagkabuhay. Hindi rin sila naniniwala na may mga anghel o may mga espiritu. Ngunit ang lahat ng ito ay pinaniniwalaan ng mga Pariseo.
9Kaya nagkagulo sila at nagsigawan nang malakas, at tumayo ang ilang mga tagapagturo ng Kautusan na mga Pariseo at mariin nilang sinabi, “Wala kaming makitang kasalanan sa taong ito. Baka may espiritu o kayaʼy anghel na nakipag-usap sa kanya!”
10Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at ibalik sa himpilan.
11Kinagabihan, nagpakita ang Panginoon kay Pablo at sinabi, “Huwag kang matakot! Kung paano ka nagpahayag tungkol sa akin dito sa Jerusalem, ganoon din ang gagawin mo sa Roma.”
12-13Kinaumagahan, nagpulong ang mahigit apatnapung Hudyo, at nagplano sila kung ano ang kanilang gagawin. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo.
14Pagkatapos, pumunta sila sa mga namamahalang pari at sa mga pinuno ng mga Hudyo at sinabi sa kanila, “Sumumpa kaming hindi kakain ng kahit ano hanggaʼt hindi namin napapatay si Pablo.
15Kaya hilingin ninyo at ng Sanhedrin sa kumander na gusto ninyong papuntahin ulit dito sa inyo si Pablo. Sabihin ninyo na gusto ninyong imbestigahan nang mabuti. Ngunit bago pa siya makarating dito, papatayin na namin siya.”
16Ngunit ang plano nilaʼy narinig ng lalaking pamangkin ni Pablo, na anak ng kapatid niyang babae. Kaya pumunta siya sa himpilan at ibinalita ito kay Pablo.
17Tinawag ni Pablo ang isa sa mga kapitan doon at sinabi, “Dalhin ninyo ang binatilyong ito sa kumander, dahil may sasabihin siya.”
18Kaya dinala siya ng kapitan sa kumander.
Pagdating nila roon, sinabi ng kapitan, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at nakiusap na dalhin sa inyo ang binatilyong ito, dahil may sasabihin daw siya sa inyo.”
19Hinawakan ng kumander ang kamay ng binatilyo, at dinala siya sa lugar na walang ibang makakarinig. At tinanong niya, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”
20Sinabi ng binatilyo, “Nagkasundo ang mga Hudyo na hilingin sa inyo na dalhin si Pablo sa harap ng Sanhedrin bukas, dahil iimbestigahan daw nila nang mabuti.
21Ngunit huwag po kayong maniwala sa kanila, dahil mahigit apatnapung tao ang tatambang sa kanya. Isinumpa nilang hindi sila kakain at iinom hanggaʼt hindi nila napapatay si Pablo. Nakahanda na sila at naghihintay na lang ng pahintulot ninyo.”
22Pinauwi ng kumander ang binata at ibinilin, “Huwag mong sasabihin kahit kanino na ipinaalam mo ito sa akin.” At pinauwi niya ang binatilyo.
23Ipinatawag agad ng kumander ang dalawa sa kanyang mga kapitan at sinabi sa kanila, “Maghanda kayo ng 200 sundalo at ipapadala ko kayo sa Cesarea. Magdala rin kayo ng pitumpung sundalong nakakabayo at 200 sundalong may sibat. At lumakad kayo mamayang gabi, mga alas nuwebe.
24Maghanda rin kayo ng mga kabayo na sasakyan ni Pablo. Bantayan ninyo siyang mabuti para walang mangyari sa kanya hanggang sa makarating siya nang ligtas kay Gobernador Felix.”
25At sumulat ang kumander sa gobernador ng ganito:
31Sinunod ng mga sundalo ang utos sa kanila. At nang gabing iyon, dinala nila si Pablo sa Antipatris.
32Kinabukasan, bumalik ang mga sundalo sa kampo, samantalang nagpaiwan ang mga sundalong nakakabayo para samahan si Pablo.
33Nang dumating sila sa Cesarea, iniharap nila si Pablo sa gobernador at ibinigay ang sulat.
34Binasa ito ng gobernador at pagkatapos ay tinanong si Pablo kung saang lalawigan siya nanggaling. Nang malaman niyang taga-Cilicia si Pablo,
35sinabi niya, “Pakikinggan ko ang kaso mo kapag dumating na ang mga nag-aakusa sa iyo.” At pinabantayan ng gobernador si Pablo habang nandoon siya sa palasyo ni Herodes.