The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ng Panginoon ,
3“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.
4Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig, para gawing diyos-diyosan ninyo.
5Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.
6Ngunit ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyon na nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.
7Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
8Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin.
9Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw,
10ngunit ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon na inyong Diyos. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito, pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.
11Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit, ang lupa, ang dagat at ang lahat ng narito, pero nagpahinga ako sa ikapitong araw. Kaya pinagpala ko ang Araw ng Pamamahinga at ginawa itong natatanging araw para sa akin.
12Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.
13Huwag kang papatay.
14Huwag kang mangangalunya.
15Huwag kang magnanakaw.
16Huwag kang sasaksi nang hindi totoo laban sa iyong kapwa.
17Huwag mong pagnasahan ang bahay ng iyong kapwa, o ang kanyang asawa, mga aliping lalaki o babae, mga baka, asno, o anumang pag-aari niya.”
18Nang marinig ng mga tao ang kulog, at ang tunog ng trumpeta, at nang makita nila ang kidlat at ang bundok na umuusok, nanginig sila sa takot. Tumayo sila sa malayo
19at sinabi kay Moises, “Kayo na lang ang magsalita sa amin at makikinig kami, huwag na po ang Diyos at baka mamatay kami.”
20Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot dahil pumunta ang Panginoon dito upang subukin kayo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan at magkaroon kayo ng takot sa kanya, at nang hindi kayo magkasala.”
21Tumayo ang mga tao sa malayo habang si Moises ay lumalapit sa makapal na ulap kung saan naroon ang Diyos.
22Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Nakita ninyo na nakipag-usap ako sa inyo mula sa langit.
23Kaya huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosang pilak o ginto para sambahing kasama nang pagsamba sa akin.
24“Gumawa kayo ng altar na lupa para sa akin at gawin ninyo itong pag-aalayan ng inyong mga tupa, kambing at mga baka bilang handog na sinusunog at handog pangkapayapaan. Gawin ninyo ito sa lugar na pinili ko para sambahin ako, at doon ay pupuntahan ko kayo at pagpapalain.
25Kung gagawa kayo ng altar na bato para sa akin, huwag ninyong tatapyasin; dahil kung gagamitan ninyo ito ng sinsel, hindi na ito karapat-dapat gamitin sa paghahandog sa akin.
26At huwag din kayong gagawa ng altar na may hagdan dahil baka masilipan kayo sa pag-akyat ninyo.”