Exodus 31

Sila Bezalel at Oholiab

(Exo. 35:30–36:1)

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda.

3Pinuspos ko siya ng aking Espiritu at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa anumang gawain:[#31:3 : O kapangyarihan.]

4sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso,

5sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay.

6Pinili ko rin si Oholiab na anak ni Ahisamac, na mula sa lahi ni Dan, upang tumulong kay Bezalel.

7“ang Tabernakulo,

ang Kahon ng Kasunduan at ang takip ng kapatawaran,

at ang lahat ng kagamitan sa Tolda,

10ang banal at magandang damit ni Aaron at ng mga anak niya na isusuot nila kapag naglilingkod na sila bilang mga pari,

11ang langis na pamahid at ang mabangong insenso para sa Banal na Lugar.

Ang Araw ng Pamamahinga

12Iniutos ng Panginoon kay Moises

13na sabihin niya ito sa mga Israelita, “Huwag ninyong kaligtaang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil isa itong tanda ng kasunduan natin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na ako ang Panginoon na nagpabanal sa inyo.[#31:13 : Ang ibig sabihin, piniling maging mamamayan ko.]

14“Dapat ninyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil banal ang araw na ito para sa inyo. Ang sinumang lalapastangan nito ay dapat patayin. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay ititiwalag sa inyong sambayanan.

15Gawin ninyo ang mga gawain nʼyo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sapagkat banal ang araw na ito para sa akin, papatayin ang sinumang gagawa sa araw na ito.

16Dapat ipapangilin ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga at ipagdiwang ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang hanggang kasunduan.

17Ito ay magiging tanda sa akin at sa mga Israelita magpakailanman. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa, at sa ikapitong araw ay nagpahinga ako.”

18Pagkatapos ng pakikipag-usap ng Panginoon kay Moises sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya kay Moises ang dalawang malalapad na bato ng kanyang mga kautusan na isinulat mismo ng kanyang mga daliri.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.