The chat will start when you send the first message.
1Dumating ang panahon na sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos, “Abraham!”
“Narito po ako,” tugon niya.
2Pagkatapos, sinabi niya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.”[#22:2 : O katangi-tangi.]
3Kinabukasan, maagang nagsibak si Abraham ng mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at isinakay niya ito sa asno. Lumakad siya kasama si Isaac at ang dalawa niyang aliping lalaki papunta sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
4Nang ikatlong araw ng kanilang paglalakbay, nakita ni Abraham sa di-kalayuan ang lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
5Kaya sinabi ni Abraham sa dalawa niyang alipin, “Dito muna kayo at bantayan ninyo ang asno, dahil aakyat kami roon upang sumamba sa Diyos. Babalik din kami agad.”
6Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.
7Habang naglalakad sila, sinabi ni Isaac, “Ama!”
Sumagot si Abraham, “Bakit anak?”
Nagtanong si Isaac, “May dala po tayong sulo at panggatong ngunit nasaan po ang tupa na ihahandog?”
8Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.” At nagpatuloy sila sa paglalakad.
9Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos, gumawa si Abraham ng altar na bato, at inihanda niya ang mga kahoy sa ibabaw nito. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar.
10Kinuha niya ang itak. At nang papatayin na sana niya si Isaac,
11tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, “Abraham! Abraham!”
Sumagot si Abraham, “Narito po ako.”
12Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang anak mo! Ngayon, napatunayan ko na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.”
13Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang lalaking tupa na ang sungay ay nasabit sa mga sanga ng kahoy. Kaya kinuha ito ni Abraham at inihandog bilang handog na sinusunog kapalit ng kanyang anak.
14Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Naglalaan ang Panginoon .” Ito ang pinagmulan ng kasabihang, “Sa bundok ng Panginoon may inilalaan siya.”
15Muling tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham mula sa langit.
16Sinabi niya, “Ito ang sabi ng Panginoon : Sumusumpa ako sa sarili ko na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,
17tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
18At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin.”[#22:18 : O lahi.]
19Pagkatapos nito, bumalik sila Abraham sa kinaroonan ng kanilang mga alipin. At bumalik sila sa Beer-seba at doon na nanirahan.
20Pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan ni Abraham na ang kapatid niyang si Nahor ay may mga anak kay Milca:
21Si Uz ang panganay, sumunod sina Buz, Kemuel (ang ama ni Aram),
22Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf at Betuel.
23Si Betuel ang ama ni Rebeca.
24May mga anak din si Nahor sa kanyang asawang alipin na si Reuma.
Silaʼy sina Teba, Gaham, Tahas at Maaca.