The chat will start when you send the first message.
1Mula sa Jerusalem, sumulat si Jeremias sa mga tagapamahala, mga pari, mga propeta, at sa iba pang mga bihag na dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia.
2Isinulat niya ito pagkatapos na mabihag si Haring Jehoyakin, ang kanyang inang reyna, ang mga namamahala sa palasyo, mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mahuhusay na panday at manggagawa.
3At ibinigay ni Jeremias ang sulat kina Elasa na anak ni Safan at Gemarias na anak ni Hilkias. Sila ang sinugo ni Haring Zedequias na hari ng Juda kay Nebucadnezar sa Babilonia. Ito ang nakasaad sa sulat:
24-25Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagbigay sa akin ng mensahe para kay Semaias na taga-Nehelam. “Ito ang sinabi niya: Semaias, sa pamamagitan ng pangalan mo lang ay nagpadala ka ng sulat kay Zefanias na anak ni Maaseya na pari, at pinadalhan mo rin ng kopya ang iba pang mga pari, at ang lahat ng taga-Jerusalem. Ayon sa sulat mo kay Zefanias, sinabi mo,
26‘Hinirang ka ng Panginoon bilang pari na papalit kay Joiada upang maging tagapamahala ng templo. Katungkulan mo ang pagdakip at paglalagay ng kadena sa leeg ng sinumang hangal na nagsasabing propeta siya.
27Bakit hindi mo pinigilan si Jeremias na taga-Anatot na nagsasabing propeta siya diyan sa inyo?
28Sumulat pa siya rito sa amin sa Babilonia na kami raw ay magtatagal pa rito. Kaya ayon sa kanya, magtayo kami ng mga bahay at manirahan sa mga ito, magtanim at kainin ang aming ani.’ ”
29Nang matanggap ng paring si Zefanias ang sulat ni Semaias, binasa niya ito kay Propeta Jeremias.
30Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
31“Ipadala mo ang mensaheng ito sa lahat ng bihag. Sabihin mo sa kanilang ito ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na taga-Nehelam: Hindi ko sinugo si Semaias upang magsalita sa inyo. Pinapaniwala niya kayo sa kasinungalingan niya.
32Kaya parurusahan ko siya pati ang mga angkan niya. Wala ni isa man sa angkan niya ang mananatiling buhay para maranasan ang mga mabubuting bagay na gagawin ko sa inyo, sapagkat tinuruan niya kayong magrebelde sa akin,” sabi ng Panginoon .