The chat will start when you send the first message.
1Pagkasabi ni Hesus ng mga bagay na ito, tumingala siya sa langit at sinabi,
9“Idinadalangin ko sila. Hindi ako nananalangin para sa mga taong makamundo kundi para sa mga taong ibinigay mo sa akin, dahil sila ay iyo.
10Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay sa akin, at napaparangalan ako sa pamamagitan nila.
11At ngayon, babalik na ako sa iyo at hindi na ako mananatili rito sa mundo, pero sila ay mananatili pa sa mundo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin, upang silaʼy maging isa katulad natin.
12Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay mo sa akin. Iningatan ko sila at walang napahamak sa kanila maliban sa taong itinakdang mapahamak upang matupad ang Kasulatan.