The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ni Micas:[#3:1 : Sa Hebreo, ako.]
“Makinig kayo, mga pinuno ng Israel at Juda!
Hindi baʼt kayo ang dapat magpatupad
ng katarungan?
2Subalit napopoot kayo sa kabutihan
at minamahal ang kasamaan.
Binabalatan ninyo
ang aking mamamayan,
tinatanggalan ninyo ng laman
ang kanilang mga buto.
3Kinakain ninyo ang kanilang laman,
inaalisan sila ng balat,
Binabali ang kanilang buto
hanggang magkapira-piraso.
Tinatadtad ninyo sila tulad
ng mga karneng iluluto,
mga laman na pakukuluan sa kaldero.
4“Sa araw ng pagpaparusa sa inyo,
hihingi kayo ng tulong sa Panginoon ,
ngunit hindi niya kayo tutulungan;
itatakwil niya kayo
dahil sa inyong kasamaang ginagawa.
5“Ito naman
ang sinasabi ng Panginoon
tungkol sa mga propetang nanlinlang
sa kanyang mga mamamayan,
na nangangako ng mabuting kalagayan
sa mga nagpapakain sa kanila,
ngunit binabantaan nila
ng kapahamakan
ang ayaw magpakain sa kanila:
6‘Dahil iniligaw ninyo
ang aking mga mamamayan,
hindi na kayo magkakaroon
ng mga pangitain
at hindi na kayo makapanghuhula.
Para kayong nasa dilim
na wala kayong makikita.
7Mapapahiya kayong mga propeta
at manghuhula.
Magtatakip kayo ng mukha sa sobrang hiya,
dahil wala na kayong natatanggap
na mensahe mula sa Diyos.’
8Ngunit ako ay puspos
ng Espiritu ng Panginoon
na siyang nagbibigay
sa akin ng kapangyarihan
upang maipatupad ko ang katarungan,
at nagpapalakas ng loob ko
para masabi sa mga mamamayan
ng Israel at Juda na nagkasala sila.
9Makinig kayo,
mga pinuno ng Israel at Juda!
Ayaw ninyong pairalin ang katarungan
at binabaluktot ninyo ang katuwiran.
10“Itinatayo ninyo ang Zion[#3:10 : Makikita rin sa Hebreo ang salitang Jerusalem na ibang pangalan ng Zion.]
sa masamang paraan.
Handa kayong
pumatay maitayo lamang ito.
11Humahatol kayong panig
sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo.
At kayong mga pari
ay nagpapabayad sa pagtuturo.
Ganoon din kayong mga propeta,
nanghuhula kayo dahil sa pera.
Umaasa rin kayong tutulungan kayo
ng Panginoon ,
dahil ayon sa inyo,
‘Kasama namin ang Panginoon .
Kaya walang anumang
masamang mangyayari sa amin.’
12Kaya dahil sa inyo,
wawasakin ang Zion,
ang lungsod ng Jerusalem.
Magiging katulad ito ng inararong bukid,
at magiging bunton
ng mga gumuhong gusali.
At magiging gubat ang bundok
na kinatatayuan ng templo.”