Nehemias 7

1Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita.

2Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan.

3Sinabi ko sa kanila, “Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat, kahit may mga tagapagbantay pang nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga tagapagbantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader.”[#7:3 : Oras ito ng pamamahinga, kaya maaaring ang mga kalaban ay bigla na lang sumalakay.]

Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik mula sa Pagkabihag

(Ezra 2:1‑7)

4Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay.

5Kaya ipinaisip ng aking Diyos sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan upang maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:

8Ang angkan ni Paros 2,172

9Ang angkan ni Sefatias 372

10Ang angkan ni Arah 652

11Ang angkan ni Pahat-moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab) 2,818

12Ang angkan ni Elam 1,254

13Ang angkan ni Zatu 845

14Ang angkan ni Zacai 760

15Ang angkan ni Binui 648

16Ang angkan ni Bebai 628

17Ang angkan ni Azgad 2,322

18Ang angkan ni Adonikam 667

19Ang angkan ni Bigvai 2,067

20Ang angkan ni Adin 655

21Ang angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias 98[#7:21 : O na mga angkan ni Ezequias.]

22Ang angkan ni Hasum 328

23Ang angkan ni Bezai 324

24Ang angkan ni Harif 112[#7:24 : O Jora.]

25Ang angkan ni Gibeon 95[#7:25 : O Gibar.]

Bethlehem at Netofa 188

27mga taga-Anatot 128

28mga taga-Bet-azmavet 42

29mga taga-Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743

30mga taga-Rama at Geba 621

31mga taga-Micmas 122

32mga taga-Betel at Ai 123

33mga taga-Nebo 52

34mga taga-Elam 1,254

35mga taga-Harim 320

36mga taga-Jerico 345

37mga taga-Lod, Hadid, at Ono 721

38mga taga-Senaa 3,930

Mga angkan ni Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973

40Mga angkan ni Imer 1,052

41Mga angkan ni Pashur 1,247

42Mga angkan ni Harim 1,017

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74

Mga angkan nina

Ziha, Hasufa, Tabaot,

47Keros, Sia, Padon,

48Lebana, Hagaba, Salmai,

49Hanan, Gidel, Gahar,

50Reaias, Rezin, Nekoda,

51Gazam, Uza, Pasea,

52Besai, Meunim, Nefusesim,

53Bakbuk, Hakufa, Harhur,

54Bazlut, Mehida, Harsa,

55Barkos, Sisera, Tema,

56Nezias, at Hatifa.

Ang mga angkan nina

58Jaala, Darkon, Gidel,

59Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Amon.

62Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda, 642 katao silang lahat.

Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)

Binasa ni Ezra ang Kautusan

Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.