The chat will start when you send the first message.
1Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng buwan ding iyon, nagtipon-tipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.[#9:1 : Upang ipakita ang kanilang pagsisisi.]
2Humiwalay ang mga Israelita sa mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.
3Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Diyos. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Diyos.
4Sa hagdanang nakalaan sa mga Levita, nakatayo sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani, at malakas silang nananalangin sa Panginoon na kanilang Diyos.
5At sinabi ng mga Levitang sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, “Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Diyos na walang hanggan!” Pagkatapos ay nanalangin sila:[#9:5 : O magpakailanman.]
38“Dahil dito, kami pong mga Hudyo ay gumawa ng isang matibay na kasunduan. Isinulat ito at pinirmahan ng aming mga pinuno, mga pari, at mga Levita.”