The chat will start when you send the first message.
1Noong unang araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa Toldang Tipanan sa disyerto ng Sinai. Sabi niya,
2“Isensus ninyo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki.
3Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa pagbibilang mula sa mga pangkat, at sa paglilista ng mga lalaking dalawampung taóng gulang pataas na may kakayahang maging mga sundalo.
4Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.
“mula sa lahi ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur
6mula sa lahi ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurishadai
7mula sa lahi ni Juda, si Naason na anak ni Aminadab
8mula sa lahi ni Isacar, si Netanel na anak ni Zuar
9mula sa lahi ni Zebulun, si Eliab na anak ni Helon
10mula sa lahi ni Jose,
11mula sa lahi ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gideoni
12mula sa lahi ni Dan, si Ahiezer na anak ni Amishadai
13mula sa lahi ni Asher, si Pagiel na anak ni Ocran
14mula sa lahi ni Gad, si Eliasaf na anak ni Deuel
15mula sa lahi ni Neftali, si Ahira na anak ni Enan.
17Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili,
18at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas.
19Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon .
20Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel:
22Mula sa mga apo ni Simeon:
24Mula sa mga apo ni Gad:
26Mula sa mga apo ni Juda:
28Mula sa mga apo ni Isacar:
30Mula sa mga po ni Zebulun:
Mula sa mga apo ni Efraim:
34Mula sa mga apo ni Manases:
36Mula sa mga apo ni Benjamin:
38Mula sa mga apo ni Dan:
40Mula sa mga apo ni Asher:
42Mula sa mga apo ni Neftali:
47Ngunit hindi isinama sa bilang dito ang mga lahi ni Levi.
48Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,
49“Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelitang magsisilbi sa panahon ng labanan.
50Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito.
51Kapag ililipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin.
52Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi.
53Ngunit ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos upang hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos.”
54Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.