The chat will start when you send the first message.
1Ngayon, siniraan nila Miriam at Aaron si Moises dahil nakapag-asawa siya ng isang taga-Cush.[#12:1 : Sa Hebreo, taga-Etiopia.]
2Sinabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nakikipag-usap ang Panginoon ? Nakikipag-usap din siya sa amin.” Subalit narinig ito ng Panginoon .
3(Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)
4Kaya nakipag-usap agad ang Panginoon kina Moises, Aaron at Miriam, “Lumabas kayong tatlo at pumunta sa Toldang Tipanan.” Kaya pumunta silang tatlo sa Tolda.
5Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa,
6sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito:
Kapag may propeta sa inyo,
ako, ang Panginoon ,
ay nakikipag-usap sa kanya
sa pamamagitan ng pangitain
at panaginip.
7Ngunit hindi ako ganoon makipag-usap
sa aking lingkod na si Moises
na mapagkakatiwalaang pinuno
ng aking mga mamamayan.
8Kung nakikipag-usap ako sa kanya,
magkaharap lang kami.
Malinaw ang aming usapan
at hindi paligoy-ligoy.
Nakikita niya ang aking anyo.
Kaya bakit hindi kayo natakot
magsalita ng masama laban
sa aking lingkod na si Moises?”
9Nagalit ang Panginoon sa kanila, at umalis siya.
10Nang umalis na ang ulap sa ibabaw ng Tolda, tinubuan si Miriam ng malubhang sakit sa balat, at namuti ang kanyang balat. Pagkakita ni Aaron sa kanya,[#12:10 : Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginagamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.]
11sinabi ni Aaron kay Moises, “Pakiusap kapatid ko, huwag po ninyo kaming pahirapan dahil sa kasalanang nagawa namin nang may kahangalan.[#12:11 : Sa literal, panginoon.]
12Huwag ninyong hayaang maging tulad si Miriam sa isang batang patay nang ipinanganak at bulok ang kalahating katawan.”
13Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon , “O Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.”
14Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha ay pagdurusahan niya ang kahihiyang ito sa loob ng pitong araw? Kaya, palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, at pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”
15Kaya pinalabas si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi nagpatuloy ang mga tao sa paglalakbay hanggang sa makabalik si Miriam sa kampo.
16Pagkatapos noon, umalis sila sa Hazerot, at nagkampo sa disyerto ng Paran.