Mga Bilang 26

Ang Ikalawang Sensus

1Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron,

2“Isensus ninyo ang lahat ng mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na dalawampung taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”

3Kaya nakipag-usap sina Moises at ang paring si Eleazar sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

4Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na dalawampung taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”

5Ang mga lipi ni Ruben na panganay na anak ni Jacob[#26:5 : Sa Hebreo, Israel.]

ay ang mga sambahayang mula

12Ang mga lipi ni Simeon ay ang mga sambahayang mula

15Ang mga lipi ni Gad ay ang mga sambahayang mula

20Ang mga lipi ni Juda ay ang mga sambahayang mula

23Ang mga lipi ni Isacar ay ang mga sambahayang mula

26Ang mga lipi ni Zebulun ay ang mga sambahayang mula

29Ang mga lipi ni Manases ay ang mga sambahayang mula

35Ang mga lipi naman ni Efraim ay ang mga sambahayang mula

38Ang mga lipi ni Benjamin ay ang mga sambahayang mula

42Ang mga lipi ni Dan ay ang mga sambahayang mula

44Ang mga lipi ni Asher ay ang mga sambahayang mula

48Ang mga lipi ni Neftali ay ang mga sambahayang mula

52Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

53“Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.

54Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.

55-56Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”

57Ito ang mga Levitang nabilang ayon sa kanilang mga angkan:

58Kabilang din sa mga Levita ang mga sumusunod:

63Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

64Wala ni isang natira sa mga kasama sa naunang sensus na ginawa nina Moises at Aaron sa ilang ng Sinai.

65Sapagkat sinabi noon ng Panginoon sa kanila na tiyak na mamamatay sila doon sa ilang, at walang makakaligtas sa kanila maliban lang kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.