The chat will start when you send the first message.
1“Sa unang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon . Sa araw na iyon ay patunugin ninyo ang mga trumpeta.
2Pagkatapos, mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon : isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
3Sa paghahandog ninyo ng mga ito, samahan ninyo ito ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon . Magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ang ihalo ninyo – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo para sa lalaking tupa
4at isang kilo sa bawat batang tupa.
5Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.
6Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon .
7“Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon . Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.
8Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon : isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
9Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon . Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa
10at isang kilo sa bawat batang tupa.
11Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa isang handog bilang kapalit ninyo upang matubos kayo sa inyong mga kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon , at sa handog na inumin.
12“Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon . Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.
13Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon . Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: labintatlong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
14Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon . Haluan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa
15at isang kilo sa bawat batang tupa.
16Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
17“Sa ikalawang araw, ito ang inyong ihandog: labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
18Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
19Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
20“Sa ikatlong araw, maghandog kayo ng labing-isang batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
21Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
22Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
23“Sa ikaapat na araw, ito ang inyong ihandog: sampung batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
24Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
25Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
26“Sa ikalimang araw, ito ang inyong ihandog: siyam na batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
27Sa paghahandog ninyo nito, samahan nʼyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
28Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
29“Sa ikaanim na araw, ito ang inyong ihandog: walong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
30Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
31Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
32“Sa ikapitong araw, ito ang inyong ihandog: pitong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
33Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
34Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
35“Sa ikawalong araw, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sa pagsamba sa Panginoon .
36Mag-alay kayo ng handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon : isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
37Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
38Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
39“Bukod pa sa mga handog para sa pagtupad ng inyong panata at mga handog na kusang-loob, maghandog din kayo sa Panginoon sa nakatakdang mga pista ng mga handog na ito, mga handog na sinusunog, mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon , mga handog na inumin at mga handog pangkapayapaan.”
40Sinabing lahat ito ni Moises sa mga Israelita ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon .