The chat will start when you send the first message.
1Ito ang mga kawikaan at pahayag ni Agur na anak ni Jakeh.
Sinabi niya:
“Panginoon , ako po ay pagod.
Pagod na pagod na po ako
at hinang-hina na.
2Ako ang pinakamangmang
sa lahat ng tao.
Ang isip koʼy
parang hindi sa tao.
3Hindi ko natutunan ang karunungan,
at hindi ko nakamtan ang katalinuhan
ng Nag-iisang Banal.
4May tao bang nakaakyat na sa langit
at bumaba sa mundo?
May tao bang nakadakot ng hangin
sa kanyang mga kamay
o kaya ay nakabalot ng tubig
sa kanyang damit?
May tao bang nakapaglagay
ng hangganan sa mundo?
Kung may kilala ka,
sabihin mo sa akin
ang kanyang pangalan
at ang pangalan ng kanyang anak.
5Ang bawat salita ng Diyos
ay tunay na mapagkakatiwalaan.
Siya ay tulad ng panangga
sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
6Huwag mong dadagdagan
ang kanyang mga salita,
dahil kung gagawin mo ito,
sasawayin ka niya
at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”
7Panginoon , may dalawang bagay
akong hihilingin sa inyo.
Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin
bago ako mamatay.
8Una, ilayo ninyo ako
sa kasinungalingan at kabulaanan.
Pangalawa, huwag ninyo akong
gawing mayaman o mahirap,
sa halip bigyan lamang ninyo ako
ng pagkain na aking kakailanganin.
9Dahil kung yumaman ako,
baka sabihin kong hindi ko na kailangan
ang Panginoon ;
at kung ako naman ay maghirap,
baka matuto akong magnakaw
at mailagay ko kayo sa kahihiyan.
10Huwag mong sisiraan ang katulong
sa harap ng kanyang amo,
baka isumpa ka niya at magdusa ka.
11May mga sumusumpa sa kanilang mga ama
at hindi pinagpapala ang kanilang mga ina.
12May mga malilinis ang turing sa sarili,
subalit hindi sila nalilinis
sa kanilang karumihan.
13May mga taong mapagmataas
na kung tumingin akala mo kung sino.
14May mga tao namang sakim at napakalupit,
pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15“Ang mga taong sakim
ay parang linta.
Ang laging sinasabi ay,
‘Bigyan mo ako!’
“May tatlong bagay na hindi nakokontento,
apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:
17“Ang anak na kumukutya
at sumusuway sa kanyang magulang
ay tutukain ng uwak sa mga mata,
at kakainin ng mga agila
ang bangkay niya.
18“May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha,
apat na hindi ko maunawaan:
20“Ganito ang ginagawa ng babaeng
nagtataksil sa kanyang asawa:
Sumisiping siya sa ibang lalaki
pagkatapos sasabihin niya,
‘Wala akong ginagawang masama.’
21“May tatlong bagay na sa daigdig ay yumayanig,
apat na bagay na hindi nito matitiis,
24“Dito sa lupa ay may apat na nilalang,
na salat sa laki ngunit pambihira
ang katalinuhan:
29“May apat na nilalang na akala mo kung sino
kapag lumakad:
32“Kung sa kahangalan moʼy
nagmamayabang ka
at nagbabalak ng masama,
tigilan mo na iyan!
33Hindi ba kapag hinalo nang hinalo
ang malapot na gatas
ay magiging mantikilya?
Hindi ba kapag sinuntok mo
ang ilong ng isang tao
ay magdurugo ito?
Kaya kapag ginalit mo ang tao
tiyak na magkakaroon ng gulo.”