The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,[#110:1 … Panginoon : Sa Hebreo, Yahweh … adonai. Ang ibig sabihin ng adonai ay Panginoon o amo.]
“Umupo ka rito sa aking kanan
hanggang sa gawin kong iyong apakan
ang iyong mga kalaban.”
2Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,
at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.
3Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway,
kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.
Ang mga kabataang iyong nasasakupan
ay pupunta sa iyo doon
sa banal na burol katulad
ng hamog tuwing umaga.
4Ang Panginoon ay sumumpa
at hindi magbabago ang pasya niya,
na ikaw ay pari magpakailanman,
ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
5Ang Panginoon ay kasama mo.
Parurusahan niya ang maraming hari
sa oras ng kanyang galit.
6Parurusahan niya ang mga bansa,
at marami ang kanyang papatayin.
Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.
7Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batis
na nasa tabi ng daan,
kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.