The chat will start when you send the first message.
1Purihin nʼyo ang Panginoon !
Kayong mga lingkod ng Panginoon ,
purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon .
2Purihin nʼyo ang Panginoon ,
ngayon at magpakailanman.
3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,
ang pangalan ng Panginoon
ay dapat papurihan.
4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,
ang kanyang kaluwalhatian
ay hindi mapapantayan.
5Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos,
na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.
6Yumuyuko siya upang tingnan
ang kalangitan at ang sanlibutan.
7Tinutulungan niya ang mga dukha
at nangangailangan sa kanilang kagipitan.
8At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao
mula sa kanyang mga mamamayan.
9Pinaliligaya niya ang baog na babae
sa tahanan nito,
sa pamamagitan ng pagbibigay
sa kanya ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon !