The chat will start when you send the first message.
1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon ,
at akoʼy kanyang sinagot.
2Panginoon , iligtas nʼyo ako
sa mga mandaraya at sinungaling.
3Kayong mga sinungaling,
ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?
4Parurusahan niya kayo
sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal
at nagliliyab na baga.
5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama
ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec
at mga taga-Kedar.
6Matagal na rin akong naninirahang
kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.
7Ang nais koʼy kapayapaan,
ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,
ang gusto nilaʼy digmaan.