The chat will start when you send the first message.
1Napapatanaw ako sa mga bundok;
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
2Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon ,
na gumawa ng langit at ng lupa.
3Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.
Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
4Pakinggan mo ito!
Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;
siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
6Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.[#121:6 Noon, alam na ng mga sinaunang tao na nagdudulot ng kapinsalaan ang matinding sikat ng araw, at naniniwalang ang liwanag ng buwan ay may dalang sakit.]
7Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
8Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.