Salmo 131
1Panginoon , hindi po ako hambog
o mapagmataas.
Hindi ko hinahangad ang mga bagay
na hindi ko kayang abutin.
2Kontento na ako,
katulad koʼy batang hindi na naghahangad
ng gatas ng kanyang ina.
3Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon ,
ngayon at magpakailanman.
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc. Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo. ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. Used with permission. All rights reserved worldwide.
Published by: Biblica, Inc.