The chat will start when you send the first message.
1Purihin ang Panginoon , kayong mga nilalang sa kalangitan.
Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.
2Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.
Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.
3Ang tinig ng Panginoong Diyos
na makapangyarihan ay dumadagundong
na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.
4Ang tinig ng Panginoon
ay makapangyarihan at kagalang-galang.
5Ang tinig ng Panginoon ay makakabali
at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay
na mga puno ng sedro sa Lebanon.
6Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon
at ang bundok ng Hermon,
na parang mailap na baka na tumatalon-talon.
7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.
8Ang tinig din ng Panginoon
ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.
9Sa tinig ng Panginoon , napapagalaw ang mga puno ng ensina,[#29:9 : Sa literal, napapaanak ang mga usa.]
at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.
At ang lahat ng nasa Templo
ay sumisigaw,
“Ang Diyos ay makapangyarihan!”
10Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.
Maghahari siya magpakailanman.
11Ang Panginoon ang nagbibigay
ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,
at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.