Salmo 93

Salmo 93

1Kayo ay hari, Panginoon ;

nadadamitan ng karangalan

at kapangyarihan.

Matatag ninyong itinayo ang mundo

kaya hindi ito matitinag.

2Ang inyong trono ay naitatag na

simula pa noong una,

naroon na kayo noon pa man.

3Panginoon , umuugong ang dagat

at nagngangalit ang mga alon.

4Ngunit Panginoong nasa langit,

higit kayong makapangyarihan

kaysa sa mga nagngangalit na alon.

5Mapagkakatiwalaan ang inyong mga utos Panginoon ,

at ang inyong Temploʼy nararapat lamang

na ituring na banal magpakailanman.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.