Pahayag 1

1Ito ang pahayag mula kay Hesu-Kristo na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya upang ipakita sa kanyang mga lingkod. Itoʼy patungkol sa mga mangyayari sa nalalapit na panahon. Isinugo ang isang anghel upang ipakita ang pahayag na ito sa kanyang lingkod na si Juan,

2na siyang naging saksi at nagpatotoo tungkol sa lahat ng kanyang nakita; ang salita ng Diyos at ang patotoo ni Hesu-Kristo.

3Pinagpala ang sinumang babasa o makakarinig sa propesiyang ito, at pinahahalagahan ito. Sapagkat ang mga sinasabi dito ay malapit nang mangyari.

Pagbati sa Pitong Iglesya

Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

6Hinirang niya tayo upang mapabilang sa kanyang kaharian at maging mga paring naglilingkod sa Diyos na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan, magpakailanman. Amen.

7“Masdan ninyo!

Dumarating si Hesus kasama ang ulap.

Makikita siya ng lahat ng tao,

maging ng mga taong pumaslang sa kanya.

At ang lahat ng mga bansa ay tatangis

dahil sa parusa, ang takot nila ay labis.”

8Ang Panginoong Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”

Ang Pangitain ni Juan tungkol kay Kristo

9Ako si Juan na kapatid ninyo at kasama sa paghihirap, sa kaharian ng Diyos, at sa pagtitiis dahil tayo ay nakay Hesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos dahil sa pangangaral ko ng salita ng Diyos at ng katotohanang itinuro ni Hesus.[#1:9 : Ang ibig sabihin ay “paghahari ng Diyos na nahayag noong dumating si Kristo at ganap na mararanasan sa pagbalik niya.”]

10Noong araw ng Panginoon, pinuspos ako ng Espiritu, at narinig ko ang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta mula sa aking likuran.

11At ito ang sinabi sa akin, “Isulat mo kung ano ang makikita mo, at ipadala agad sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea.”

12Nang marinig ko ito, lumingon agad ako para tingnan kung sino ang nagsasalita sa akin. At nakita ko ang pitong lamparang ginto.

13Sa gitna ng mga ilawan ay may nakatayong parang Anak ng Tao. Mahaba ang damit niya na abot hanggang paa, at may gintong parang sinturon na nakabigkis sa kanyang dibdib.[#1:13 Tingnan sa Dan. 7:13.]

14Ang buhok niya ay napakaputi tulad ng telang puting-puti, at ang mga mata niya ay nagliliyab na parang apoy.

15Ang mga paa niyaʼy kumikinang katulad ng tansong dinalisay sa apoy at pinakintab. Ang tinig niyaʼy napakalakas katulad ng rumaragasang tubig.

16May hawak siyang pitong bituin sa kanyang kanang kamay, at lumalabas sa bibig niya ang isang matalas na espadang magkabila ang talim. Ang mukha niya ay nakakasilaw tulad ng kapangyarihan ng araw sa tanghaling tapat.

17Nang makita ko siya, napahandusay ako na parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya agad ang kanang kamay niya sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang katapusan.

18Akoʼy buháy magpakailanman. Namatay ako, ngunit masdan mo, buháy ako, at hindi na muling mamamatay. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang mundo ng mga patay.[#1:18 : Sa Griyego, .]

19“Kaya isulat mo ang mga bagay na ipinapakita ko sa iyo, ang mga bagay na nangyayari ngayon at ang mangyayari pa lang.

20Ito ang ibig sabihin ng pitong bituin na nakita mo sa kanang kamay ko at ang pitong lamparang ginto: Ang pitong bituin ay ang pitong anghel na nagbabantay sa pitong iglesya, at ang pitong lamparang ginto ay ang pitong iglesya.”

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.