MGA AWIT 130

1Mula sa kalaliman, O Panginoon , ako sa iyo'y dumaing!

2Panginoon, tinig ko'y pakinggan!

Mga pandinig mo'y makinig sa tinig ng aking mga karaingan!

3Kung ikaw, Panginoon , ay magtatala ng mga kasamaan,

O Panginoon, sino kayang makakatagal?

4Ngunit sa iyo'y may kapatawaran,

upang ikaw ay katakutan.

5Ako'y naghihintay sa Panginoon , naghihintay ang aking kaluluwa,

at sa kanyang salita ako ay umaasa;

6sa Panginoon ay naghihintay ang aking kaluluwa,

higit pa kaysa bantay sa umaga;

tunay na higit pa kaysa bantay sa umaga.

7O Israel, umasa ka sa Panginoon !

Sapagkat sa Panginoon ay may tapat na pagmamahal,

at sa kanya ay may saganang katubusan.

8Ang Israel ay tutubusin niya,[#Mt. 1:21; Tito 2:14]

mula sa lahat niyang pagkakasala.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society