MGA AWIT 131

1Panginoon , hindi hambog ang aking puso,

ni mayabang man ang mata ko;

ni nagpapaka-abala sa mga bagay na lubhang napakadakila,

o sa mga bagay na para sa akin ay lubhang kamangha-mangha.

2Tunay na aking pinayapa at pinatahimik ang aking kaluluwa;

gaya ng batang inihiwalay sa dibdib ng kanyang ina,

gaya ng batang inihiwalay ang aking kaluluwa sa loob ko.

3O Israel, umasa ka sa Panginoon

mula ngayon at sa walang hanggang panahon.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society