The chat will start when you send the first message.
1Halikayo, purihin ninyo ang Panginoon , kayong lahat na lingkod ng Panginoon ,
na nakatayo sa gabi sa bahay ng Panginoon !
2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong banal,
at ang Panginoon ay papurihan!
3Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Zion;
siyang gumawa ng langit at lupa!