MGA AWIT 136

1O magpasalamat kayo sa Panginoon ; sapagkat siya'y mabuti;[#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ezra 3:11; Awit 100:5; 106:1; 107:1; 118:1; Jer. 33:11]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

2O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

3Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

4siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

5siya na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan,[#Gen. 1:1]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

6siya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig,[#Gen. 1:2]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

7siya na gumawa ng mga dakilang tanglaw,[#Gen. 1:16]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

8ng araw upang ang araw ay pagharian,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

9ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

10siya na sa mga panganay sa Ehipto ay pumaslang,[#Exo. 12:29]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

11at mula sa kanila, ang Israel ay inilabas,[#Exo. 12:51]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

12sa pamamagitan ng malakas na kamay at ng unat na bisig,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

13siya na sa Dagat na Pula ay humawi,[#Exo. 14:21-29]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

14at sa gitna nito ang Israel ay pinaraan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

15ngunit nilunod si Faraon at ang kanyang hukbo sa Pulang Dagat,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

16siya na pumatnubay sa kanyang bayan sa ilang,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

17siya na sa mga dakilang hari ay pumatay,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman,

18at sa mga bantog na hari ay pumaslang,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

19kay Sihon na hari ng mga Amorita,[#Bil. 21:21-30]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

20at kay Og na hari ng Basan,[#Bil. 21:31-35]

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

21at ang kanilang lupain bilang pamana'y ibinigay,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

22isang pamana sa Israel na kanyang tauhan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

23Siya ang nakaalala sa atin sa ating mababang kalagayan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

24at iniligtas tayo sa ating mga kaaway,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

25siya na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

26O magpasalamat kayo sa Diyos ng kalangitan,

sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society