MGA AWIT 137

1Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,

doon tayo'y naupo at umiyak;

nang ang Zion ay ating maalala;

2sa mga punong sauce sa gitna nito,

ating ibinitin ang mga alpa natin doon.

3Sapagkat doo'y ang mga bumihag sa atin

ay humingi sa atin ng mga awitin,

at tayo'y hiningan ng katuwaan ng mga nagpahirap sa atin doon:

“Awitin ninyo sa amin ang isa sa mga awit ng Zion.”

4Paano namin aawitin ang awit ng Panginoon

sa isang lupaing banyaga?

5O Jerusalem, kung kita'y kalimutan,

makalimot nawa ang aking kanang kamay!

6Dumikit nawa ang aking dila sa aking ngalangala,

kung hindi kita maalala,

kung ang Jerusalem ay hindi ko ilagay

sa ibabaw ng aking pinakamataas na kagalakan!

7Alalahanin mo, O Panginoon , laban sa mga anak ni Edom

ang araw ng Jerusalem,

kung paanong sinabi nila, “Ibuwal, ibuwal!”

Hanggang sa kanyang saligan!

8O anak na babae ng Babilonia, ikaw na mangwawasak![#Apoc. 18:6]

Magiging mapalad siya na gumaganti sa iyo

ng kabayaran na siyang ibinayad mo sa amin!

9Magiging mapalad siya na kukuha sa iyong mga musmos,

at sa malaking bato sila'y sasalpok.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society