MGA AWIT 93

Ang Diyos na Hari

1Ang Panginoon ay naghahari, siya'y nakasuot ng karilagan;

ang Panginoon ay nananamit, siya'y nabibigkisan ng kalakasan.

Ang sanlibutan ay kanyang itinatag; hindi ito matitinag.

2Ang trono mo'y natatag noong una;

ikaw ay mula sa walang pasimula.

3Ang mga baha ay tumaas, O Panginoon ,

ang mga baha ay nagtaas ng kanilang ugong;

ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.

4Higit na makapangyarihan kaysa sa dagundong ng maraming tubig,

kaysa sa malalakas na hampas ng alon sa dagat,

ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan!

5Ang iyong mga utos ay tiyak na tiyak;

ang kabanalan sa iyong sambahayan ay nararapat,

O Panginoon , magpakailanman.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society