The chat will start when you send the first message.
1Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga pinuno ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at mga pamilya sa Israel upang kunin nila ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David.
2Pumunta silang lahat kay Haring Solomon noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, noong buwan ng Etanim, na siyang ikapitong buwan.
3-4Nang magkatipon na ang lahat ng tagapamahala ng Israel, kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang Kahon ng Panginoon , pati ang Toldang Tipanan at ang mga banal na gamit nito at dinala nila ang lahat ng ito sa Templo.[#8:3‑4 : Sila ang mga katulong ng mga pari sa Templo.]
5Naghandog si Haring Solomon at ang buong mamamayan ng Israel sa harapan ng Kahon. Napakaraming tupa at baka ang kanilang inihandog, hindi ito mabilang dahil sa dami.
6Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng Templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng pakpak ng mga kerubin.
7Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin, kaya natatakpan nito ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito.
8Itong mga hawakang pasanan ay mahaba, ang dulo nito ay kita sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng Templo, ngunit hindi ito makita sa labas ng Banal na Lugar. At naroon pa ito hanggang ngayon.
9Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.
10Nang lumabas ang mga pari sa Banal na Lugar, may ulap na bumalot sa Templo ng Panginoon .
11Hindi na makagawa ang mga pari sa kanilang gawain sa Templo dahil sa ulap, dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay bumalot sa kanyang Templo.
12At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po Panginoon na maninirahan kayo sa makapal na ulap.
13Ngayon, nagpatayo po ako ng kahanga-hangang Templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”
14Pagkatapos, humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at binasbasan niya sila.
15Sinabi niya:
22Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay,
23at nanalangin:
54Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin at kahilingan sa Panginoon , tumayo siya sa harapan ng altar ng Panginoon , kung saan siya nakaluhod at nakataas ang mga kamay sa langit.
55Binasbasan niya ang buong sambayanan ng Israel at sinabi nang may malakas na tinig,
62Pagkatapos, naghandog si Haring Solomon at ang buong Israel sa Panginoon .
63Nag-alay sila ng mga handog pangkapayapaan: 22,000 baka at 120,000 tupa at kambing. Sa ganitong paraan, itinalaga ng hari at ng lahat ng mga Israelita ang Templo ng Panginoon .
64Sa araw ding iyon, itinalaga ng hari ang bakuran na nasa harap ng Templo ng Panginoon para roon mag-alay ng mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon , at mga taba bilang handog pangkapayapaan. Dahil ang tansong altar na nasa harapan ng Templo ay napakaliit para sa mga handog na ito.
65Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo-hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Ehipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang Diyos sa loob ng labing-apat na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng Templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.[#8:65 : Sa Hebreo, ating.]
66Pagkatapos ng Pista, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi silang puno ng kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.[#8:66 : Sa Hebreo, Nang ikawalong araw. Maaaring ang susunod na araw pagkatapos ng ikapitong araw ng Pista.]