The chat will start when you send the first message.
1Noong taóng 160, ang Tolemaida ay sinakop ni Alejandro Epifanes na anak ni Haring Antioco IV. Naghari siya roon, at nagustuhan naman ng bayan ang kanyang pamamahala.
2Nabalitaan ito ni Haring Demetrio, kaya't bumuo siya ng malaking hukbo at hinamon si Alejandro sa isang labanan.
3Sumulat si Demetrio kay Jonatan upang ito'y kaibiganin at parangalan.
4Nasabi niya sa sarili, “Kailangang makipagkaibigan ako kay Jonatan bago maisipan nitong makipag-ugnay kay Alejandro laban sa akin.
5Kung hindi ako kikilos agad ay baka maalala pa niya ang masamang ginawa ko sa kanya, sa kanyang mga kapatid at sa bansang Israel.”
6Kaya't binigyan niya ng karapatan si Jonatan na bumuo ng hukbo at binigyan ito ng mga sandata. Iniutos din niya na ang lahat ng mga bihag na Judio sa kuta ay ibigay kay Jonatan.
7Pagkatanggap ng sulat, pumunta agad sa Jerusalem si Jonatan at ibinalita ito sa mga tao.
8Ang mga tao sa kuta ay natakot nang malamang si Jonatan ay binigyan ng hari ng karapatang makabuo ng malaking hukbo.
9Ibinigay nga kay Jonatan ang lahat ng mga bihag at pinauwi niya ang mga ito sa kanilang mga magulang.
10Mula noon, sa Jerusalem na naninirahan si Jonatan at muli niyang inayos ang lunsod.
11Nagpakuha siya ng mga batong parisukat at ginawang pader sa palibot ng Bundok ng Zion.
12Lahat ng mga dayuhang naninirahan sa kutang ipinagawa ni Baquides ay nagsitakas,
13at nagsiuwi sa kani-kanilang bansa.
14Tanging sa Beth-sur lamang may nakatira pang kalaban ng Kautusan, sapagkat doon sila lumikas.
15Ang mga pangako ni Demetrio kay Jonatan ay umabot sa kaalaman ni Alejandro. Nabalitaan din nito ang kagitingan ni Jonatan at ng kanyang mga kapatid, lalo na sa pakikidigma at ang maraming pagsubok na tiniis na nito.
16Nasabi ni Alejandro, “Wala na akong makikitang tulad niya. Kailangang maging kaibigan ko siya at kakampi.”
17Kaya't sumulat din siya kay Jonatan na ganito ang isinasaad:
Bukod sa sulat, pinadalhan din niya si Jonatan ng isang maharlikang damit at koronang ginto.
21Isinuot ni Jonatan ang kasuotan ng Pinakapunong Pari noong ikapitong buwan ng taóng 160 sa pagdiriwang ng Pista ng mga Tolda. Nagtipon siya ng isang malaking hukbo at ng maraming sandata.
22Nang ito'y mabalitaan ni Demetrio, nabagabag siya at nag-isip,
23“Paano nangyaring tayo'y naunahan ni Alejandro? Napalakas niya ang kanyang katayuan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga Judio.
24Ang mabuti'y sulatan ko rin ang mga Judio at makipagkaibigan sa kanila; aalukin ko sila ng matataas na tungkulin at mga handog para tulungan nila ako.”
46Nang marinig ni Jonatan at ng bayan ang mga alok ni Haring Demetrio, ayaw nilang maniwala o tanggapin man ang mga iyon, sapagkat naalala nila ang malupit na pakikitungo nito sa kanila at ang mga kahirapang idinulot sa bansang Judio.
47Minabuti nilang ang kilalanin ay si Alejandro at sa kanya ibigay ang kanilang katapatan, sapagkat ito ang unang nakipag-unawaan sa kanila; at nanatili silang magkapanalig habang ito'y nabubuhay.
48Si Haring Alejandro ay nagtatag ng isang malaking hukbo at humandang makipagdigma sa hukbo ni Demetrio.
49Subalit nang magkaharap na ang mga hukbo ng dalawang hari, umatras at tumakas ang hukbo ni Alejandro. Tinugis sila ni Demetrio at nagwagi ito sa digmaang iyon.[#10:49 Sa ibang manuskrito'y .; #10:49 Sa ibang manuskrito'y .]
50Nakipaglaban si Alejandro hanggang sa paglubog ng araw, at nasawi si Demetrio nang araw na iyon.
51Pagkatapos, nagsugo si Alejandro kay Haring Tolomeo VI ng Egipto at ganito ang kanyang ipinasasabi:
55Ito ang naging tugon ni Haring Tolomeo, “Isang dakilang araw na maituturing ang pagbabalik mo sa iyong bansa at pagluklok sa trono ng iyong mga ninuno.
56Sumasang-ayon ako sa iyong mga mungkahi, subalit magkita muna tayo sa Tolemaida para magkakilala tayo nang mabuti. Saka ko ipakakasal sa iyo ang aking anak na dalaga.”
57Kaya nang taóng 162, umalis ng Egipto si Haring Tolomeo at ang anak niyang dalaga na si Cleopatra at pumunta sa Tolemaida.
58Sinalubong sila ni Haring Alejandro, at ipinakasal nga sa kanya ni Tolomeo ang anak niyang dalaga. Buong karangyaang ipinagdiwang sa Tolemaida ang pag-iisang-dibdib nila.
59Sinulatan ni Haring Alejandro si Jonatan na makipagkita sa kanya.
60Nagpunta nga sa Tolemaida si Jonatan at humarap sa dalawang hari para magpakitang-gilas. Binigyan niya sila ng mga handog na pilak at ginto; binigyan din niya ng maraming handog ang matataas na pinunong kasama nila. Gayon na lamang ang paghanga ng lahat kay Jonatan.
61Ngunit may ilang taksil na Judio na nais manira kay Jonatan, at nagpahatid sila ng mga maling paratang laban sa kanya, subalit hindi ito pinansin ni Haring Alejandro.
62Ipinag-utos pa nga niya na pagsuotin si Jonatan ng kasuotang hari
63at pinarangalan pa sa pamamagitan ng pagpapaupo rito sa kanyang tabi. Iniutos ni Alejandro sa kanyang mga pinuno na dalhin si Jonatan sa sentro ng lunsod at ipahayag na walang sinumang dapat magparatang laban dito sa anumang kadahilanan, at wala ring dapat magsimula ng anumang gulo para isangkot ito.
64Nang makita ng mga naiinggit at naninira ang karangalang iniuukol kay Jonatan, at matapos marinig ang pahayag na ito, lahat sila'y tumakas.
65Pinarangalan pa rin ng hari si Jonatan nang ilista siya bilang isa sa mga pangunahing kaibigan ng hari at gawing heneral at gobernador ng kanyang lalawigan.
66Si Jonatan ay mapayapa at masayang nagbalik sa Jerusalem dahil sa tinamong tagumpay.
67Nang taóng 165, si Demetrio II na anak ni Demetrio I ay umalis sa Creta at dumating sa Siria, na lupain ng kanyang mga ninuno.
68Nang mabalitaan ito ni Haring Alejandro, siya'y nabahala at nagbalik sa Antioquia, ang kapitolyo ng Siria.
69Muling pinili ni Demetrio si Apolonio bilang gobernador ng Kalakhang Siria. Nagtatag si Apolonio ng isang malaking hukbo, nagkampo sa malapit sa Jamnia, at ipinasabi ang ganito kay Jonatan, ang Pinakapunong Pari:
74Nang matanggap ni Jonatan ang pasabing ito ni Apolonio, siya'y nagalit. Tinipon niya ang sampung libong piling kawal mula sa Jerusalem; nagdala rin ng mga kawal ang kapatid niyang si Simon, at ang dalawang pangkat
75ay humimpil sa labas ng Joppa. Ayaw silang papasukin ng mga kalalakihan ng lunsod sapagkat may isang pangkat doon ng mga kawal ni Apolonio. Ngunit sumalakay si Jonatan,
76at sa pagkasindak ng kalalakihan ng lunsod, binuksan nila ang mga pintuan at hinayaang masakop ni Jonatan ang Joppa.
77Nang mabalitaan naman ni Apolonio ang nangyari, nagsama siya ng tatlong libong mangangabayo at isang malaking hukbong-lakad at nagkunwang tatakas patimog papuntang Asdod. Subalit nagtuloy siya sa kapatagan na kasama ang kanyang pangunahing hukbo dahil tiwala siya sa lakas ng kanyang mangangabayo.
78-79Inilagay niya ang isang libong mangangabayo sa isang lugar na sadyang pinili para sumalakay sa hukbo ni Jonatan mula sa hulihan. Tinugis sila ni Jonatan hanggang Asdod at doon nagkaharap ang dalawang hukbo.
80Noon lamang nabatid ni Jonatan na siya'y tinambangan. Napaligiran ang kanyang hukbo, at pinaulanan sila ng mga palaso mula umaga hanggang gabi.
81Ngunit nanatiling matatag ang mga tauhan ni Jonatan, gaya ng kanyang iniutos, at napagod ang sumalakay na hukbong mangangabayo ng kaaway.
82At nang manlupaypay na ang mga iyon, dumating naman si Simon na kasama ang kanyang hukbo at sumalakay sa mga kalaban. Sa takot ng mga iyon, sila'y nagkawatak-watak at nagtakbuhan.
83Ang mga mangangabayo na nangalat na sa kapatagan ay tumakas patungong Asdod at doon nagtago sa templo ni Dagon na kanilang diyus-diyosan.
84Subalit sinunog ni Jonatan ang lunsod at ang templo ni Dagon, kaya natupok ang lahat ng nagtatago roon. Sinunog din niya ang mga bayan sa palibot at sinamsam ang mga ari-arian.
85Nang araw na iyon humigit-kumulang sa walong libong katao ang namatay sa labanan at sa pagkatupok.
86Pagkatapos, umalis si Jonatan at humimpil sa Ascalon. Dito'y lumabas ang kalalakihan ng lunsod na iyon at sinalubong siya para parangalan.
87Nagbalik sa Jerusalem si Jonatan at ang kanyang mga tauhan na maraming uwing nasamsam.
88Nabalitaan ni Haring Alejandro ang ginawa ni Jonatan at lalo pa niya itong pinarangalan.
89Pinadalhan niya ito ng isang gintong hibilyang pang-balikat na karaniwa'y ibinibigay lamang sa kamag-anak ng hari. Ibinigay rin sa kanya ang Lunsod ng Ekron at ang mga lupain sa paligid nito.